May 4, 2024

BARBIE FORTEZA, ‘DI RAW NIYA KAYA IYONG NARATING NI MS. NORA AUNOR

KAHIT na siya ang sinabihan na actress na papalit kay Ms. Nora Aunor, hindi naman sang-ayon si Barbie Forteza sa isyung iyon. Alam naman ni Barbie na mahirap marating ang narating ni Ms. Nora Aunor, dahil naroon daw ang dedikasyon at paghihirap nito para makamit ang kinalalagyan ngayon ni Ms. Nora Aunor.

 “Naku masaya na akong nakikita nila ang  pagtatrababaho ko sa ngayon, pero iyong ikumpara nila ang narating ni Ms. Nora Aunor sa akin. Malayong malayo po. Kahit kailan hindi ko po masasabing ako ang papalit kay MS. Nora, milagro pong mangyari iyon.

“Nag-iisa lang ang Nora Aunor sa kanyang kinalalagyan, siguro kung papalarin iyong kahit konti ng narating niya ay maranasan ko ay napakasaya ko ng artista. Pero hindi po ako magiging isang Nora Aunor, pwede maging isang mahusay na actress dahil pinaghuhusayan ko naman pong talaga,” salaysay pa ni Barbie Forteza.