May 18, 2024

Maja at Maine, balak ng palitan… CASSY LEGASPI AT ATASHA MULACH, MAGTATAPATAN SA KANILANG SHOW NA ‘EAT BULAGA’ AT ‘E. A. T.’

BALAK na palang palitan ng ‘E. A. T.’ sina Maja Salvador at Maine Mendoza, at ito’y sa katauhan ni Atasha Mulach isa sa mga kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Siya pala ang ipinalit kina Maine Mendoza at Maja Salvador, kung ito’y mabuntis na dahil may mga asawa na nga.

 “Ipinakilala na ho si Atasha Mulach last Saturday ng ‘E.A.T.’ at ok naman at tanggap na ito ng mga followers ng nasabing show. Nag pamalas ng galing itong si Atasha sa pagsasayaw, at mukhang tataubin nito si Cassy kung hindi ito sasagot sa hamon ng ‘E.A.T.’

 “Pero hindi naman nababahala si Cassy Legaspi, dahil kaya rin niya ang ginagawa ni Atasha. Kung sayawan lang ang pag-uusapan ay hindi rin naman ito papahuli, at kaya niyang tapatan si Atasha. Kaya  nga bongga ang tapatan ng ‘Eat Bulaga’ ng GMA7 versus ‘E.A.T.’ ng TV5,’ chika pa ng aking source.

Well, sino kaya ang lulutang kina Atasha Mulach at Cassy Legaspi. Dahil pareho namang mahusay ang dalawa. Sino kaya ang aarangkada ang career sa dalawa?