May 19, 2024

PANGALAWANG GINTONG MEDALYA NG ‘PINAS, NAKUHA NI MEGGIE OCHOA

Photo: Makeachamp.com

Nasungkit ng jiu-jitsu fighter na si Margarita ‘Meggie’ Ochoa ang ikalawang ginto ng Pilipinas sa 19th Asian Games nitong Huwebes.

Comeback ito ni Ochoa sa kanyang nakaraang Asiad apperance, natalo niya si Abdulla Balqees ng United Arab Emirates sa gold medal round ng women’s under-48kg Brazilian jiu-jitsu competition.

Unang nakakuha ng gintong medalya para sa Pilipinas si EJ Obiena nang pagharian ang pole vault tournament.