PALAISIPAN sa mga awtoridad ang pagkakilanlan ng isang bangkay na lalaki na may taga sa leeg at putol pa ang kaliwang kamay na itinapon sa loob ng Taytay Memorial Garden Cemetery sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal.
Napag-alaman mula sa Taytay Municipal Police Station, natagpuan ng caretaker ng nasabing sementeryo ang duguang bangkay na nakahandusay sa lupa.
Nabatid na nakasuot ng gray/red na T-shirt at itim na shorts ang biktima na tinatayang nasa 40 hanggang 50 taong gulang.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Taytay MPS para matukoy kung sino ang nasabing biktima at ang suspek sa likod ng nasabing pagpaslang.
