May 1, 2024

BAKBAKAN NINA DONNIE NIETES AT JIMENEZ, NAUWI SA TABLA

Suwerteng napanatili ni Donnie Nietes ang kanyang WBO International super flyweight title belt. Gayunman, hindi dahil sa nanalo siya. Nauwi sa raw ang 10-rounder match nila ni Norbelto Jimenez sa split draw.


Umani ng agam-agam ang kampo ni Jimenez sa pag-aakalang panalo ito. Anila, lamang sila ng 2 rounds sa score cards. Pero, nagulat sa resulta ng laban.


Kapwa parehas na matikas sa laban ang dalawa. Anupa’t walang makitang lamang ang mga judges. Nagbigay ang mga hurado ng 96-94 pabor kay Nietes. Ganito rin ang nakuha ni Jimenez sa isang judge.

Ang panghuli ay nagbigay ng 95-95. Kaya nauwi sa tabla.


I felt I controlled it from the first round, then in the seventh round he was running around the ring,” ani Nietes (43-1-6).


I noticed that he fights really dirty. I’m 39-years-old, and the key to this game is discipline,” ani g binansagang ‘Ahas’. Dahil sa resulta ng laban, nagpahaging si Jimenez na dapat magharap silang muli sa lona.