May 18, 2024

MISS INDIA, KINORONAHAN BILANG MISS U 2021, BEATRICE, PUMUWESTO SA TOP 5

Kinoronahan si Miss India Harnaaz Sandhu bilang 70th Miss Universe 2021. Dinaig nito ang 79 katunggali sa competition sa Eliat, Israel. Si Sandhu ay isang Bollywood actress na pumalit bilang predecessor ni Miss Universe 2020 Andrea Meza.


Mahilig si Sandhu sa yoga, dancing, cooking at horse riding. Gayundin ang paglalaro ng chess kapag spare time niya.
Pumuwesto naman sa first runner-up si Nadia Ferreira ng Paraguay. Habang second-runner-up naman si Lalela Mswana ng South Africa. Nagawa naman ng pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez na makatuntong sa Top 5.

.