May 17, 2024

‘BADJAO GIRL” RITA GAVIOLA, SASALI SA MISS UNIVERSE PHILIPPINES

Wala nang makapipigil kay Rita Gaviola sa kanyang pagsali sa Miss Universe Philippines pageant. Siya ay nakilala noon bilang internet sensation bilang “Badjao Girl”.


Muli na naman siyang nagviral nang magpost siya sa Instagram ng new pics niya. Ikinagulat ng mga netizens ang kanyang metamorphosis. Ang ganda-ganda niya. Doon ay sinabi niyang nais niyang sumali sa MIss Universe Philippines. Kasi, matagal na niya itong pinapangarap.


Wala naman kaming masamang nakikita sa planong ito ni Rita. Maganda nga ito dahil may representative ang mga Badjao sa prestihiyosong beauty pageant.

Nakilala siya noong nag-viral ang kanyang picture na ipinost ng isang netizen. Kung saan ay humihingi siya ng pera’t pagkain sa kasagsagan ng Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.