May 2, 2024

IVANA ALAWI, NAUNGUSAN NA SI ALEX GONZAGA SA PARAMIHAN NG YT SUBSCRIBERS

Naungusan na ni Ivana Alawi si Alex Gonzaga sa paramihan ng subcribers sa YouTube. Katunayan, umabot na sa 14 million subcribers ang YT Channel ni Ivana.


Samantalang si Alex naman ay mayroong 11.5 million subcribers na sa ngayon. Nangangahulugan ba ito na mas maganda ang content ng una kaysa sa huli? Dahil dito, nakalulula na rin ang income ni Ivana.

Umabot sa 28 million views ang pinaka-popular video niya. Ito yung naglalaba siya. Kasunod ang prank ni Mona Alawi na may BF na ito sa layang ate. Umabot sa 27 million ang views nito.


Maganda naman kasi ang content niya na talagang pinag-iisipan. Isa pa, mapagbigay din siya sa kapwa. Ibinibahagi niya ang blessings sa kanya. Kung kaya, ito siguro ang rason kung bakit lalo pang dumarami ang kanyang followers.