April 27, 2024

Army Black Mamba, tinuklaw ang Choco Mucho

(PVL Photo)

Tinuklaw ng Army Black Mamba ang Choco Mucho Flying Titans sa PVL Invitational Conference. Namaga sa venom ng Army ang Flying Titans, 25-22, 22-25, 26-24, 25-19 sa 4 sets. Malaking bagay sa panalo ng Army ang undermanned na Choco Mucho.

Dahil sa panalo, inukupa ng team ang solo 3rd seed sa nasabing torneo. Ang assistant coach naman na si Rico de Guzman ang nagtipon sa team. Wala kasi si coach Kung Fu Reyes.

We were really surprised after finding out she (Tolentino) wouldn’t play. But even without her, it didn’t come easy although we did exploit her absence,” aniya. Nanguna sa opensa ng team si skipper Jovelyn Gonzaga na nagtala ng 13 points.

Nagdagdag naman Mary Anne Esguerra ng 10 points. Nag-ambag naman si Ivy Lacsina ng 27 excellent sets. Habang si Jeanette Villareal ng 8 points at tig 6 points naman ang production nina Honey Royse Tubino at Michelle Morente.

Samantala, nagtala naman si Caitlyn Viray ng 15 points sa Flying Titans. Naglista naman si Aduke Ogunsanya ng 10 points.