May 18, 2024

Apat lang ang nanood? MOVIE NI BEA ALONZO NA 1521 NILANGAW SA AMERICA

MALUNGKOT ang producer ng movie ni Bea Alonzo, dahil hindi na nga nag-promote si Bea, ay mahina ang pagtangkilik ng mga tao sa pelikula. Halos hindi manlang nabawi ng producer ang kanyang ginastos ay nagkaroon pa ito ng isyu, at mukhang bad sign ito sa career ni Bea dahil siya na ngayon ang babansagang  ‘Flopsina Queen.’

“Hindi lang pala sa Pilipinas matumal ang kita ng mga local na pelikula, maging sa America pala ay mas lalong malala. Biruin ninyong ang movie ni Bea Alonzo na 1521 ay apat lang ang nanood sa isa sa mga sinehan na pinaglabasan nito sa America.

 “Hindi pwedeng sabihing na ‘karma’ ang producer, dahil pangit na sign ito sa career ni Ms. Bea Alonzo. Tiyak na matatakot na siyang kunin ng mga producer dahil flop na ang movie niyang ginawa. Maging ang teleseryeng ginawa ni Bea Alonzo with Alden Richards sa GMA7 ay hindi na rin maganda ang resulta nito sa ratings.

 “Sign na ito na mahina na si Bea, at ang pag flop ng kanyang pelikula ay kahulugan na iyo na papunta na siya sa pagka-laos. Sayang ang movie dahil pinaghirapan ito ni Bea Alonzo, paano pa kayang makakabawi ang producer ng 1521?” malungkot na pahayag ng aking source.