May 4, 2024

Kapalit ni Maine sa ‘E.A.T’… ATASHA MULACH, INIHAHANDA NA NG VIVA PARA MAGING ARTISTA AT SINGER

DAHIL anak nina Aga mulach si Atasha Mulach, ay hindi na nagdalawang salita ang producer ng Viva na si Vic Del Rosario na papirmahin ng kontrata itong si Atasha Mulach sa Viva. Kung tutuusin ang naging problema lamang dati ay si Aga, dahil hindi pa nga tapos ng pag-aaral si Atasha kaya hindi pa pumayag si Age. Pero ngayong tapos na ito ay pumayag na rin si Aga Mulach.

 “Big chance ito para kay Atasha Mulach, dahil bukod sa tiwala ng Viva boss ay nasali na rin siya sa Show ng ‘T.V.J.’ at ‘E.A.T’ at kapalit pa siya ni Maine Mendoza, kaya kung papalarin ay biglang sikat ang mangyayari sa kanya.

 “Ready na rin ang Viva na bigyan siya ng malaking project movie, para patunayan na kaya na rin niyang pasukin ang pelikula. Maging sa kanyang pagiging singer, ay handa na rin siyang mag-recording para patunayan na isa siyang ganap na singer.

 “Kung papalarin, malaking tulong ang Viva, T.V.J., at E.A.T. show para sa madaliang pagsikat ni Atasha Mulach, na bihirang makamit ng gaya niyang baguhan sa mundo ng showbiz. Kaya si Atsha ho ay masayang-masaya dahil ang laking tiwala ang nakamit niya sa pagpasok niya sa showbiz,” pagtatapos pa ng aking source.