May 17, 2024

Bawal pa raw umibig… JILLIAN WARD, HANGGANG CRUSH AT CAREER LANG MUNA

SA edad na 18, pokus muna si Jillian Ward sa kanyang work bilang isang artista. Dahil ang kanyang parents ay hindi pa raw payag sa tawag ng pag-ibig, at hindi pa daw right time na pasukin niya ang lovelife.

 “Hanggang crush pa lang ang byuti ko, magagalit sina Mama at Papa kung aatupagin ko ang tawag ng pag-ibig. Pero may crush ako, pero hindi ko aaminin, ha. Masaya na akong nakakasama siya sa trabaho, kasi artista naman siya hanggang doon na lamang muna.

 “Hindi naman po ako nagmamadali sa tawag ng pag-ibig, dahil alam ko namang darating din iyan sa tamang panahon. Sa ngayon ine-enjoy kong kasama palagi ang aking pamilya, kasi alam kong darating din iyong time na ma-inlove ako kaya tiyak na malalayo ako sa pamilya ko. Kaya no muna ako sa pag-ibig pokus muna ako sa trabaho,” pagtatapos pa Jillian Ward.