May 18, 2024

ANTI-SMUGGLING OPERATIONS ISINAGAWA SA MAYNILA AT MALABON

NAGSAGAWA ng pinagsanib na anti-smuggling operations ang BOC-CIIS CIDG PCG sa Manila at Malabon. Ang mga kawani mula ( BOC-CIIS ) Customs Intelligence and Investigation Service, MICP sa pangunguna ni CIIS Chief Alvin kasama ang CIDG at PCG ay nag-inspection sa ilang bodega at mga storage facilities sa Divisoria, Binondo, Balot Tondo Manila at Catmon Malabon at natuklasan ang mga imported na agricultural products na nagkakahalaga ng P100M.Libo-libong kilo ng mga sibuyas, bawang at munggo beans ang nakitang nakaimbak at ito ngayon ay iimbestigahan kung ang mga ito ay ligal na inangkat. (BONG SON)