May 17, 2024

ANFERNEE HARDAWAY, TARGET NG ORLANDO MAGIC NA MAGING NEXT HEAD COACH NG TEAM

Target umano ng Orlando Magic si dating Magic star Anfernee Hardaway na maging head coach ng team.

Ayon kay Shams Charania ng The Athletic, nakausap na si Hardaway ng Orlando para sa posisyon. Siya ang napipisil na no.1 candidate sa coaching job.

Si Hardaway ay naglaro at naging star player ng Magic noong 1993-1999. Naging markado ang tandem nila ni Shaquille O Neal. Kung saan, pumalaot sila sa 1995 NBA Finals kontra Houston Rockets.

Kasalukuyang coach ng Memphis na kanyang alma mater sa NCAA tournament. May record siyang 63-32 sa torneo.

Muntikan na niyang ipinalaot sa national championship ang Memphis noong 2019-2020 season. Subalit, naglaho ito nang kumalas si top ecuit James Wiseman sa team. Pinili ni Wiseman na magpa-draft sa NBA matapos ang NCAA. Dahil dito, nasuspendi siya.

BUkod kay Hardaway, kandidato rin sa pagiging head coach sina ormer Blazer coach Terry Stotts. Gayundin si Denver Nuggets assistant Wes Unseld Jr. at former Brooklyn Nets coach Kenny Atkinson.