May 21, 2024

AMERICA’S FEMALE BLUEBEARD

May tinagurian noon na Female Bluebeard sa American criminal folklore dahil sa ilang serye ng kanyang pagpatay. Ang kakatwa, parang isang lalaki kung pamaslang ang babaeng kriminal dahil sa kanyang pambihirang lakas.

Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Belle Gunness na isa sa itinuturing na ‘most degenerate at bihasang babaeng serials killers. Isinilang si Gunness noong 1859 at may taas na 6 na talampakan at may timbang na mahigit sa 200 pounds. Hinuha ng iba, si Eshter Carlson at si Gunnes ay iisa.

Siya’y larawan at sagisag ng kapangyarihan ng babaeng Norwegian descent at nakapagtala ng ilang datus ng pagpatay. Kabilang na rito ang kanyang pagpaslang sa kanyang dalawang asawa at kanyang mga naging anak sa mga ito. Dahil sa kakaibang taglay na karisma sa mga kalalakihan, marami ang nanligaw sa kanya. Gayunman, naging masaklap ang kapalaran ng mga ito sa kanyang mga kamay.

Pinatay ni Gunnes ang kanyang mga suitors at gayundin ng mga naging kasintahan niya. Pinatay niya rin ang kanyang dalawang anak na babae na sina Myrte at Lucy.

Sinasabing ang motibo niya sa pagpatay kahit sa kanyang kadugo ay ang labis na paghahangad sa materya na bagay. Katunayan, ninakaw at kinuha niya ang life insurance policies at assets ng kanyang mga suitors pagkatapos pangakuan ng kasal. Anupa’t naging source of income niya ito. Karamihan sa mga ulat tungkol sa kanyang pinaslang, umabot sa 20 o higit pa ang kanyang naging biktima sa loob ng ilang dekada.

Subalit, ayon sa palagay ng ibang nagsuri, mahigit sa 100 sa katao ang pinaslang ni Gunness.Noong siya’y pumanaw noong 1931, nagsagawa ang kinauukulan ng isang post mortem examination. Batay sa lumabas na resulta, ang labi ni Gunnes ay natuklasang mas mababa ng dalawang pulgada ang taas niya.

Lumalabas na 5’10 lamang ang height ni Gunness kumpara sa unang ulat na 6 feet. Naging palaisipan tuloy kung siya ay talagang namatay sa panahong iyon. May hinala rin ang karamihan na si Belle ay isa talagang lalaki na nagpanggap lamang na isang babae.

May ilan naman na naghihinala na isang hermaphrodite si Gunness, isang babae na may kasarian din ng isang lalaki.