May 4, 2024

ALYSSA VALDEZ, TOP VOLLEYBELLE NGAYONG 2021


Hindi rin pahuhuli bilang ‘Top Sports Athletes of 2021’ ang ilang personalidad sa iba’t-ibang larangan ng sports. Kabilang din sa nagmarka ngayong 2021 ang mga volleyball players. Unang-una na rito si Alyssa Valdez ng Creamline Cool Smashers. Lalo pang sumikat ng husto ang tinaguriang ‘The Phenom’.


Kung saan, napabilang sa PBB Celebrity Edition Season 10. Pero, bago nito, naglaro muna siya sa Creamline sa Premier Volleyball League (PVL). Nakarating sa finals ng torneo via bubble set-up kontra Chery Tiggo. Subalit nabigo. Naging kontrobersiyal din ang di niya pagkakasama sa national team.


Markado rin sina Michele Gumabao, Jia Morado at Rachel Anne Daquis at Aby Maraño. Gumawa rin ng pangalan si Jaja Santiago na isa sa iginiya ang kanyang Japanese team. Gayundin ang ilang volleyball players na naglalaro sa Japanese V. League. Kabilang si Marc Espejo at iba pa.