May 18, 2024

ALYSSA VALDEZ, NAMUMURONG MANALO SA PBB CELEBRITY EDITION

Malaki ang tsansa ni volleybelle Alyssa Valdez na tanghaling ‘bog winner’ ng PBB Celebrity Edition season 10. Hindi biro ang fan base ng Creamline Cool Smashers player. Dahil gagawin ng mga ito ang lahat manalo lang si ‘The Phenom’.

Abanse na si Alyssa sa ‘Finals Five’ at siya ang namumurong manalo.Kasama nito sa listahan sina Brenda Maige, Samantha Bernardo, Madam Inutz at Anji Salvacion.


Bumuhos naman ang suporta ng kanyang mga followers sa social media. Naging trending topic din ang 28-anyos na volleybelle.

Go ate Lay, support kami sa iyo. Di ka namin pababayaan,” wika ng isang fan.

” Bayanihan tayo. Vote Alyssa for the win,” hirit naman ng isa.