Dumating na sa New York ang Filipino tennis sensation na si Alex Eala para lumahok sa prestihiyosong US Open, ayon sa isang larawan na ibinahagi niya sa Instagram nitong Huwebes.
Makikita sa larawan si Eala sa gitna ng mga matatayog na gusali ng Big Apple, na may caption na: “New York, New York.”
Nakuha ni Eala ang kanyang pwesto sa main draw ng torneo dahil sa kanyang tuloy-tuloy na pag-angat sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings, lalo na matapos ang malakas niyang pagpapakita sa Miami Open.
Ang kanyang pagdating sa New York ay isa pang hakbang sa kanyang paglipat mula sa pagiging junior standout patungo sa pagiging ganap na propesyonal na manlalaro. (RON TOLENTINO)
