May 23, 2024

ALDEN RICHARDS, KAHIT MAY PANDEMIC INUULAN NANG SWERTE

SISIMULAN na pala this coming September ang mini-serye ni Alden Richards sa Kapuso Network, at talagang bonggang paghahanda ang kanilang ginagawa. Handog ito para sa mga fans ng actor, dahil sa patuloy nilang pasasalamat sa pagtangkilik kay Alden. At bilang paghahanda, kailangang sumailalim siya sa swab test at self quarantine bago umpisan ang taping ng nasabing mini-serye.

Si Alden Richards ang unang tampok sa ‘I Can See You’ drama series, tapos susundan na iyon ng mga sikat ding mga artista ng Kapuso Network. Kaya pansamantalang hindi siya mapapanood sa Eat Bulaga, dahil magiging busy siya sa kanyang drama series.

Kaya bago sila mag-umpisa sa kanilang taping, kailangan nilang sundin ang guidelines at protocol sa pagti-taping para ligtas sila sa COVID-19 at para mapangalagaan nila ang lahat ng kanilang artista. Kahit hindi sila sanay, ay kailangan nilang sundin dahil para naman iyon sa ikabubuti ng lahat na kasama sa drama series.