May 17, 2024

Nurse sinagasaan, tinakbuhan! Pamilya kay Yorme: Hustisya para kay Renz Perez


HUMIHINGI ng hustisya kay Manila Mayor Isko Moreno ang pamilya ng 23-anyos na nurse na si Renz makaraang mabiktima ng hit-and-run sa Maynila noong Linggo ng gabi.

Kuha ni JHUNE MABANAG/AGILA NG BAYAN

Ayon sa ulat, isang itim na pick-up truck ang nakaaksidente kay Perez sa Padre Burgos kanto ng Maria Orosa Street, na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

“Nanawagan po kami ng kaunting tulong na sana po ay mahuli na po ‘yung may sala sa aking pamangkin,” ayon sa tiyuhin ng biktima na si Adonis Digon.

“Napakabait na bata at isang frontliner. Naninilbihan sa ating bayan para makatulong… Nasagasaan na siya at tinakbuhan pa siya. Kaya nananawagan kami mayor, kahit tulungan ninyo po sana kami na mapabilis ang hustisya para kay Renz,” dagdag pa niya.