May 12, 2024

SENATOR BONG REVILLA JR. PINAYAGAN NANG LUMABAS NG HOSPITAL

PINAYAGAN na ng kanyang doctor si Senator Bong Revilla Jr., na lumabas na ng hospital at sa bahay na lamang niya ituloy ang kanyang pagpapagaling para sa sakit na COVID-19. Halos lahat ng mga supporter ni Senator Bong ay tuwang-tuwa dahil dininig ng Dios ang kanilang mga panalangin na malagpasan niya ang sakit.

“Again, maraming maraming salamat po sa inyong mga panalangin. Sobrang nakakataba ng puso ang inyong mga ipinarating na dasal at mga words of encouragement and well wishes. I cannot thank all of you enough,” pahayag pa niya.

Ngayong bumuti na si Senator Bong, patuloy pa rin naman dumadalangin ang kanyang mga supporters, friends at pamilya na tuluyan na siyang makalaya sa coronavirus. Hindi naman hahayaan ng ating Maykapal na hindi siya bigyan ng kagalingan, dahil isa siya sa mga Senator na may maka-Dios at makataong puso.

“Simula’t sapul naman ang hangad ko ay makatulong, kung kaya namin ni Mayor Lani Mercado-Revilla sa lahat ginagawa naman namin iyon. Hindi namin iniinda ang sakit na aming mararanasan, dahil alam namin na ginagabayan kami ni Lord Jesus. Kaming mag-asawa ay nalungkot sa sinapit natin sa Pandemic na ito, pero hanggat kaya naming makatulong ginagawa namin.

“Kaya iyong pasasalamat ko sa mga kababayan at sa mga tao na patuloy na idinasal ang aking karamdaman. Mula sa puso ko, nagpapasalamat ho ako sa inyong lahat. Hindi ko po makakalimutan ito at ng aming pamilya, umasa kayo na sa lalong medaling panahon ay magpapagaling ako upang sa aking paggaling ay mapaglingkuran namin kayong muli.” Maluha-luhang pahayag ni Senator Bong Revilla Jr.

Itong Senator na si Bong Revilla Jr. kahit binabato ng mga taong walang ginawa kung hindi ang manira, ay nanatili siyang tahimik at ipinasa Dios na lamang ang lahat. Ang mahalaga sa kanya ay ang mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan, kaya naman mahal na mahal siya ng mga ito.