May 28, 2024

ALDEN RICHARDS AT KATHRYN BERNARDO, WALANG PAG-IBIG NA NAMAMAGITAN

FRIENDS lang naman talaga ang relasyon nina Kathryn Bernado at Alden Richards. Matapos ng sigalot na nangyari sa relasyong KathNiel, mukhang nag-unwind muna si Kathryn at lalong ini-enjoy ang pagiging single.

“Masyado kasing advance ang social media natin, iyong hindi totoo ay ginagawa nilang instant totoo agad.

“Hindi naman sinabi ni Alden Richards, na gusto niyang pakasalan si Kathryn. At matagal na niyang gusto itong ligawan, hindi niya magawa dahil ka-relasyon pa niya si DJ.

“Si Kathryn Bernado naman ay dedma lang, at ang priority ngayon ay ang kanyang showbiz career. Kaya iyang mga sweetness nina Alden at Kathryn, pang showbiz lang ang lahat ng iyan,” diin pa ni Miss. Bubuwit na aking source.