May 3, 2024

ANDREA BRILLANTES: MAY FREEDOM NA KAMI NI DJ AT HINDI NA NAMIN KAILANGANG MAGTAGO

MALAKAS na ang loob ni Andrea Brillantes, dahil ang feeling niya ay sina Alden Richards at Kathryn Bernado na ang nagkakapalagayan ng loob.

Lantarang isiniwalat niya na talagang may relasyon sila ni Daniel Padilla, although pabiro pero pag-amin na rin iyon.

“Tiyak masaya na si Andrea, kasi masosolo na niya si Daniel Padilla. Hindi ba nangyari na iyon nagkita sila sa ibang bansa? Patunay lamang ito na lumalabas na ang na udlot nilang pagmamahalan ni Dj.

“Humihingi siya ng suporta ngayon sa madlang pipol, dahil alam niyang tagilid ang samahang AnNiel dahil. Dahil meron palang gagawing pelikula ang dalawa, at nangangamba siya na baka madamay ang pelikula nilang pagsasamahan. “Hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ng KathNiel loveteam na wala na ito, dahil nga sa pagpasok ni Andrea Brillantes sa buhay ng kanilang idolo,” salaysay pa ni Miss. Bubuwit na aking source.