May 3, 2024

Friend lang daw sila ni Cassy… DARREN ESPANTO: WALA PO AKONG GIRLFRIEND NGAYON

PANG Showbiz lang pala ang Cassy-Darren, kung nagtagumpay ito matutuloy nasa sa loveteam pero hindi. Nakasama pa nga sila sa isang pelikula na pang Metro Manila Film Festival at Manila International Film Festival 2023, sila rin ang magkasama na nagbiyahe sa Batangas, Japat at sa California.

Pero hindi nakatulong ang loveteam nina Cassy Legaspi at Darren Espanto, dahil flop ang resulta ng nasabing pelikula.

“Paanong magiging sila, eh, loveteam lang talaga ang ginawa sa kanilang dalawa. Pero hindi naman iyon kinagat ng madlang pipol, isa pa bata pa si Cassy kaya hindi pa ito pwedeng ligawan.

“Iyong totoo ho, friends lang sina Darren at Cassy, kaya totoong walang girlfriend si Darren at kanyang ini-enjoy ngayon ang kanyang showbiz career,” pakli pa ni Miss. Bubuwit na aking source.