May 16, 2024

AJ RAVAL, “BAGONG PANTASYA NG BAYAN”

Ibang klase pala itong si AJ Raval, anak ng aktor at action star na si Jeric Raval. Gumagawa ngayon ng pangalan si AJ sa showbiz. Ayaw niyang makipagtweetums lang para makilala.


Sinabakan ni AJ ang daring roles para maiba naman. Kaya, masasabi siya na ngayon ang bagong “Pantasya ng Bayan”. Ngayong pandemya ay tiyak na magigising ang diwa ng mga barako dahil sa kaseksihan ng aktres.


Kasama si AJ sa pelikulang ‘Taya’ (Jackpot Ka Boy’) at gumanap din sa ‘Gusto Kong Maging Pornstar”. Na sa mga movies na ito ay napakadaring ng kanyang role. Pero, napasubo rin sa drama.


Maalab din ang mga eksena. Kaya, siguradong tatatak sa isipan ng mga boys si AJ. Pero, hindi lang katawan ang panghatak niya. Kundi ang galing sa pag-arte.


Kasama din niya ang iba pang cast sa Taya na sina Jela Cuenca at Angeli Khang.