May 5, 2024

Active COVID cases sa Malabon, 40; Navotas, 43; Valenzuela, 83

Apatnapu na lamang ang active COVID-19 cases sa Malabon City habang isang pasyente sa Barangay Longos sa nasabing lungsod ang nalagutan ng hininga dahi sa nasabing sakit, ang pang-218 namatay sa pandemya sa lungsod.

Nabatid sa City Health Department, nitong Nobyermbre 18 ay 10 naman ang nadagdag sa confirmed cases  at sa kabuuan ay 5,717 na ang tinamaang ng COVID sa Malabon.

Anim naman ang pasyenteng gumaling at umakyat na sa 5,459 ang recovered patients ng lungsod.

Sa lungsod naman ng Navotas ay 43 na lamang ang active cases sa 5,210 na nagpositibo sa COVID sa nasabi ring petsa.

Umabot na sa 5,013 ang gumaling at 154 na ang namamatay.

Sumipa naman sa 83 ang active COVID cases sa Valenzuela City nito ring Nobyembre 18. Umakyat na sa 7,712 ang gumaling sa 8,043 nagpositibo at 248 na ang namamatay.