WASHINGTON (AFP) – Makalipas ang 3 araw buhat nang umalis siya sa Los Angeles Clippers, nakipag-ugnayan si Doc Rivers sa ibang team.
Ito ay sa Phildelphia 76ers. Ayon sa unnamed sources, iniulat ng US sports broadcaster na pumayag si Rivers sa isang deal.
Ayon pa sa ulat, pumirma umano ng five-year deal si Rivers sa Sixers. Sa ulat naman ng ESPN, mismong si 76ers general manager Elton Brand ng kumontak sa coach.
Ito ay sa pamamagitan ni Lonnie Cooper. Interesado aniya ang Sixers sa serbisyo ng 58-anyos na mentor.
Gayunman, wala pang opisyal na compirmasyon ang Sixers sa signing. Ngunit, nagtweet ang star big man na si Joel Embiid kaugnay dito.
“Excited for the future and what we’re building here,” tweet ni Embiid.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo