May 3, 2024

Players ng Rain or Shine, naglagay ng sari-sari store sa loob ng PBA bubble

Para magkroon ng dagdag kita, naglagay ng mini-store ang dalawa sa players ng Rain or Shine sa loob ng PBA bubble.

Ito’y sina Beau Belga at Ryan Araña. Ang kanilang tindahan ay ‘Belga-Araña Sari-Sari Store. Kabilang sa itinitinda nila ay mantika, ketchup, instant coffee at bigas. Meron ding canned goods at detergent powder.

 “May mga parating pa kami sa next batch ng delivery,” ani Araña.

Sinabi rin nito na bawal ang utang at lista sa tindahan nila. May bumibili na raw na ibang players dito.

Buena manong bumili ng powder na sabon sa tindahan si James Yap. Gayundin si Alaska forward Vic Manuel at Calvin Abueva ng Phoenix.

https://www.instagram.com/p/CFyZh6BjI8S/

Ayon naman kay Belga, katuwaan lang ang paglalagay nila ng tindahan. Pinost niya ang litrato nito sa kanyang social media account.

 “Lokohan lang yun pang-post lang,” saad  ni Belga.

“Sa amin talaga ni Ryan yung mga yun hati kami. Kami kasi ang magka-roommates dito sa hotel namin.”