May 3, 2024

Dragic at Adebayo, hindi sigurado kung makapaglalaro sa NBA finals Game 2

ORLANDO (AFP) – Kapwa walang kasiguraduhan kung maglalaro sina Bam Adebayo at Goran Dragic sa Game 2 ng NBA finals. Mismong ang kampo ng Miami heat ang nagkumpirma tungkol dito.

Ang dalawa ay nagtamo ng injury sa Game 1. Kung saan natalo sila sa Los Angeles, 116-98.Nagtamo si Dragic ng torn plantar fascia sa left foot nito. Samantalang si Adebayo ay ininda ang left neck strain.

Malaking kawalan sa Miami ang dalawa, lalo pa’t sila ay kabilang sa offensive at defensive force.

Samantala, pwede naman ng maglaro sa Game 2 si Jimmy Butler. Ininda rin ni Butler sa Game 1 ang tama sa angkle.Naniniwala si Butler na makakabawi ang Heat sa Game 2.

Knowing we may be a couple men down, other guys are going to have to step up in a big way,”  ani Butler.

I’m really, really excited to see how we bounce back, but I think we’re capable of it.”

Kumpiyansa naman si Miami coach Erik Spoelstra na makikipagsabayan ang bataan niya sa Lakers.

“At this point, it’s all hands on deck, and it’s not like the guys that were potentially sliding into the rotation haven’t played before,” aniya.