November 21, 2024

HOUSE OF LORD’ NO MORE!

TUNAY namang hindi marapat at makatwirang  sa panahon ng unos sa karagatan ay  saka pa magkakaroon ng palitan ng Kapitan sa barkong pinaglalayagan.

Lalo na kung subok naman sa husay ang kanyang performance at smooth sailing bago pa masuong sa ngitngit ng kalikasan na ‘beyond control of mankind ‘pero kayang ALPASAN sa matatag na disposisyon at matalinong desisyon ng may timon na Kapitan upang makarating sa katiwasayan ng karagatan nang ligtas sa kapahamakan ang  mga umaasang nakalulan.

Mapalad ang sambayanan ngayon dahil sa pagkakaroon ng  Kongresong makatao, makatwiran, walang kasakiman at ang kapakanan ng  pangkalahatan ang makikinabang sa mga mahahalagang hakbang  na nakataya ang kinabukasan  ng mamamayan ang  inuna kaysa pansaring kapakanang pulitikal.

Maraming mga vital na desisyon ang Kongreso ang nakongkreto dahil sa mahuhusay at matalinong  pananaw ng pinagsamang wisdom ng mga beterano at bagitong Mambabatas ng Mababang Kapulungan sa  kumpas ng  kanilang  leader na Speaker sa Kamara de Representante.

Hindi nila hinayaang mapalitan ang liderato  sa kalagitnaan ng pandemya at sa panahon ng napakahalagang deliberasyon para sa taunang pondo ng bayan.

Kumbaga sa basketball, pumupuntos ang kanilang team captain sa lahat ng departamento sa opensa, depensa at istatistika pero kung kelan umaarangkada na tungo sa panalo ay saka siya papalitan ng isang ‘di pa pinapawisan at benchwarmer lamang  o baka posibleng nagbebenta ng laro na tiyak na magpapatagilid sa kanilang laban.

Magiting na ipinaglaban ng Mayorya ang pananatili sa liderato ni House Speaker Alan Peter Cayetano  na subok ang husay at talino  bukod sa pagiging maginoo keysa isugal ang natitirang termino kay Cong Lord Allan Velasco na next in line sana pero naging kwestiyonable  umano ang kulay, loyalty, ‘di makayuko tulad ng isang oligarko, kilos-elitista at may agenda anila  kaya tutol ang mayorya sa kanya.

‘Di nga naman siya marunong mag-reach-out sa kanyang colleagues at sa panahon ng mga mahahalagang deliberasyon ng Kamara ay nawawala siya sa eksena kaya tuloy napagdududahan siya sa kanyang kinikilingan.

Kung bopol lang ang mayorya at ang Marinduque solon ang pumalit na Speaker ngayon… tiyak  anila ay lulubog ang barko kay Velasco! ‘

BUTI NA LANG…!

Mungkahi ng pilyong si Ilyo, sa Yu Key (UK) mas bagay siya maging ‘ispekir ‘ kasi meron doong HOUSE OF LORDS!

LOWCUT: Belated birthday greetings  kay Davao Occidental Cocolife Tigers  deputy team manager  Ray Alao( Hapi BertRay). Hapi kaarawan din kay  NU Bulldogs baseball team manager Wopsy Zamora mi AMIGO! Getwell  Clyde James Mariano and acknowledgment kina PSC chairman  Butch Ramirez, Alvin Aguilar ng Wrestling / URCC at Ting Hotponger Ledesma ng PTTF. Mabuhay!