September 19, 2024

Snatcher nakipag-agawan ng baril sa parak, tepok

NASAWI ang isang umano’y snatcher matapos tamaan ng bala makaraang aksidenteng pumutok ang baril ng pulis na kanyang tinangkang agawin sa Malabon City, Huwebes ng gabi.

Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa katawan ang suspek na si John Paul Sanchez, 20 ng 175 Kaingin St. M. H. Del Pilar, Brgy. Tinajeros.

Sa imbestigasyon ni PSSg Jose Romeo Germinal II, ala-10:25 ng gabi, minamaneho ni PSSg Leo Lubiano, 41, nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 2 nang hingan siya ng tulong ni Rossana Santos, 37, bonds woman ng Katarungan St. Brgy. Muzon makaraang hablutin ng suspek ang kanyang bag sa M. H Del Pilar, Brgy. Tinajeros.

Dahil dito, hinabol ng pulis ang suspek na sasakay na sana sa kanyang gate away motorsiklo at magawa nitong mapigilan matapos siyang magpakilalang pulis.

Nang kunin ng pulis ang inagaw na gamit, nagkaroon umano ng pagkakataon ang suspek at bigla na lamang sinunggaban ang service firearm ni Lubiano na naging dahilann upang magpambuno ang mga ito hanggang sa aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan sa katawan si Sanchez.

Matapos ang insidente, mabilis na isinugod ng pulis ang suspek sa naturang pagamutan habang narekober ng mga tauhan ng SOCO na rumesponde sa crime scene ang isang itim na coin purse na naglalaman ng tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu mula sa gate away motorsiklo ng suspek.