DAHIL sa mahusay na pamumuno ni Ismael “Ka Maeng” Santos ng BULGAR, muli siyang nahalal bilang presidente ng CAMANAVA PRESS CORPS sa taunang halalan na ginanap sa Caloocan City Police Headquarters.
Kasama ring nahalal sina Edd Reyes ng People’s Journal Tonight bilang Vice President, Merly Iral ng Remate bilang Secretary, Richard Mesa ng People’s Balita bilang Treasurer, Andrew Rabulan ng Manila Standard bilang Auditor, at Vickay Aquino ng Hataw bilang Chairman of the Board.
Nahalal naman bilang board of directors sina Jovy Lucero ng Agila ng Bayan, Edgar Rabulan ng Remate, Freddie Ng ng Radyo Agila, Ludwig Lechadores ng Metro, James Paragas ng Metro, at Hannah Nicol ng Manila Bulletin.
Nagpasalamat din ang grupo kina National Press Club Director Celestino “Jojo” Sicat, na nagsilbing election officer, at Caloocan City Police Chief PCOL. Joey Goforth sa kanilang suporta sa matagumpay na halalan.
