Naunguna si Pasig City Mayor Vico Sotto sa pinakahuling Tangere senatorial preference survey para sa 2028 elections matapos siyang makakuha ng 42.1 porsyentong preference mula sa 2,400 na respondents.
Pumangalawa sa talaan si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na may 37%, habang dikit na sumusunod sina Senator Raffy Tulfo (36.5%), Senator Robin Padilla (36%), at dating Senator Grace Poe (35.8%).
Pasok din sa tinaguriang Magic 12 sina Rep. Paolo Duterte, dating Vice President Leni Robredo, Isko Moreno, Ben Tulfo, Manny Pacquiao, at Akbayan Rep. Chel Diokno.
Ipinapakita sa nasabing survey ang patuloy na lakas ng alyansa ng pamilya Duterte sa mga botante, habang mixed results naman ang naitala para sa mga incumbent senators kung saan lumabas sa Magic 12 si dating Senator Loren Legarda na pumwesto sa ika-15 rank.
