Sumakabilang-buhay na ang kilalang BPO industry advocate at dating PLDT Enterprise executive na si Albert Mitchell “Mitch” Locsin noong Miyerkules sa edad na 55.
Bago ang kaniyang pagpanaw, nag-iwan ng malaking marka si Locsin sa larangan ng business process outsourcing sa bansa.
Nagsilbi siya bilang Chairman ng Customer Xperience Association of the Philippines (CXAP), kung saan pinangunahan niya ang transisyon ng grupo mula sa dating Contact Center Association of the Philippines (CCAP), bukod pa sa kaniyang naging tungkulin sa IT and Business Process Association of the Philippines (IBPAP).
Nagpaabot din ng pormal na pakikiramay ang mga matataas na opisyal ng PLDT Enterprise, kung saan nagsilbi si Locsin bilang First Vice President at Senior Adviser.
Inilagak ang kaniyang mga labi sa Heritage Park sa Taguig City upang bigyang-daan ang pagbibigay ng huling respeto ng kaniyang pamilya, mga kaibigan, at mga nakatrabaho sa industriya.
