Mga Kawani at Media na Dumalo sa Press Conference
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
OPISYAL na inilunsad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA, itinatag 1992) ang Luzon Island Cluster Roadshow at Technical Assistance sa pamamagitan ng isang press conference na ginanap sa Brisa Baguio, Sotogrande Hotel, Lungsod Baguio, noong 21 Hulyo 2026 Martes.
Nagsimula ang programa sa pambungad na pananalita ni Rene S. Napeñas, Punong Opisyal ng Administrasyon, na sinundan ng mga pambungad na pahayag mula sa mga kinatawan ng komite ng NCCA na sina Junley L. Lazaga, Pambansang Komite sa Panitikan; Joel Arthur Tibaldo, Pambansang Komite sa Sining ng Pelikula; Anabel L. Flores, Pambansang Komite sa mga Komunidad ng Kultura sa Hilaga; Dr. Raychard Viner Matias, Pambansang Komite sa Edukasyong Kultural; at Dr. Charita A. Delos Reyes, Pambansang Komite sa Pananaliksik sa Kasaysayan. Pormal na inihayag ni Joshua B. Atienza, Project Development Officer II, ang 2027 Competitive Grants Program Call for Project Proposals, kabilang ang isang pangkalahatang ideya ng mga oportunidad sa grand na magagamit para sa darating na taon.
BASAHIN: 3 kawani ng gobyerno, ganap nang homeowners sa tulong ng GSIS at 4PH Program
Ang press conference ay nagtipon ng mga kasapi ng media, lokal na stakeholder, mga institusyong pang-akademya, mga mangagawang pangkultura, mga potensyal na tagapagtaguyod, at mga hinaharap na benepisyaryo, na pinatitibay ang pangako ng NCCA na gawing mas accessible ang mga oportunidad sa pagpopondo para sa mga komunidad sa buong Luzon.
Taos-pusong nagpapasalamat ang NCCA sa Philippine Information Agency (PIA) Cordillera para sa kanilang patuloy na pakikipagtulungan at suporta sa pagdadala ng inisyatiba ng komisyon sa rehiyon.
Umaasa ang NCCA sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Press Con Technical Assistance na maabot ang mas maraming komunidad ng kultura at hikayatin ang mas malaking pakikilahok sa mga programang nagtataguyod ng sining at kultura ng Pilipinas.
