Bilang tugon sa patuloy na hamon at usapin hinggil sa West Philippine Sea, ang Air Installation and Base Development Command (AIBDC) ay nakikiisa at sumusuporta sa adhikain ng bansa na mapanatili ang kapayapaan, seguridad, at soberanya sa West Philippine Sea (WPS).
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at pagpapalakas ng kamalayang makabayan, patuloy tayong nakikiisa upang maipag tanggol ang ating karagatan, ating karapatan at ang ating kinabukasan. Sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng bansa, mahalagang palakasin ang kamalayan ng mamamayan ukol sa kahalagahan ng West
Philippine Sea na hindi lamang bilang pinagkukunan ng yaman, kundi bilang simbolo ng ating kalayaan at dignidad. Dahil dito, mahalagang maunawaan ng bawat mamamayan ang tunay na papel na ginagampanan natin sa pagtanggol at pakikiisa para sa kinabukasan ng ating bayan at sa susunod na henerasyon.
Gayunpaman, ang Air Installation and Base Development Command (AIBDC) ay patuloy nanakikilahok sa kampanya para sa West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan ng mga aktibidad katulad ng Campus Peace and Development Forum (CPDF), Radio Guesting, Distribution of WPS Stickers, at Social Media Posting. Layunin nito na mapalawak ang kaalaman ng komunidad sa usaping patungkol sa West Philippine Sea. Ang WPS ay atin.
Sa huli, ang suporta ng Air Installation and Base Development Command (AIBDC) para sa kampanya sa West Philippine Sea ay hindi lamang adhikain at tungkulin kundi pagpapakita ng tunay na malasakit sa ating bayan.
