TINATAYANG aabot sa 25 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang naganap na sunog sa Caloocan City.
Sa ulat ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-12:47 ng hating gabi nang biglang sumiklab ang sunog sa 2 story residential sa L. Lupa St., Brgy. 32, Maypajo.
Mabilis na kumalat ang apoy kaya kaagad iniakyat ang sunog sa unang alarma dakong alas-12:52 ng hating gabi bago idineklarang under control ala-1:22 ng madaling araw.
Wala naman napaulat nasawi o nasaktan sa sunog na tuluyang naapula dakong ala-1:36 ng madaling araw habang tinatayang aabot sa P100K halaga ng ari-arian ang napinsala.
Inaalam pa ang pinangmulan ng sunog habang ayon sa tala Caloocan City Social Welfare Development Department (CCSWDD) umabot sa 25 pamilya ang apektado. (JUVY LUCERO)
