Kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) na isinailalim sa “medical observation” si Pangulong Bongbong Marcos Jr. kagabi matapos makaranas ng discomfort pagkatapos ng kanyang biyahe sa Cotabato City.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nasa maayos na kalagayan na ang Pangulo.
Nakabalik na sa Malacañang ang Presidente at nakatakdang humarap sa ilang private meetings ngayong hapon.
Pinayuhan ng mga doktor ang Pangulo na magpahinga muna dahil sa pagod mula sa sunod-sunod na schedule.
Hindi nakadalo ang Pangulo sa TOYM Awards kaninang umaga at kinatawan na lamang ni Exec. Sec. Ralph Recto.
Tiniyak ng Palasyo na walang dapat ikabahala ang publiko sa kalusugan ng Punong Ehekutibo.
