PUMANAW na ang dating Miss Universe 1963 na si Iêda Maria Brutto Vargas ng Brazil nakaraang 22 Disyembre 2025 Lunes sa edad na walumpung (80) taong gulang. Siya ang unang Brazilian na nagwagi sa nasabing pageant na tubong Rio Grande do Sul. Sa kanyang termino binuksan sa publiko ang Capital Plaza Mall sa Landover Mills, Maryland, Washington, D.C. Ang kanyang titulo ay muling naiuwi ng kababayang si Martha Vasconcellos noong 1968.

Ilang buwan bago ang pagpanaw ni Vargas ay pumanaw na rin ang hinalinhang reyna na si Miss Universe 1962 Norman Beatriz Nolan ng Argentina noong 20 Agosto 2025 Miyerkoles. Pumanaw ang nag-iisang Miss U ng Argentina sa Miami, Florida, Estados Unidos sa edad na walumpu’t pitong (87) taong gulang.
Ang kandidata ng Pilipinas noong 1963 ay si Lalaine Bennett ay hinirang piniling Third Runner-up – ang unang Pilipina na napabilang sa Top 5 Finalist. Samantalang si Josephine Estrada ang kinatawan ng bansa noong 1962 subalit hindi napabilang sa Top 15 Semifinalists.
Sa mahigit na pitumpung (70+) reyna ng Miss Universe ay siyam (9) na ang bilang na pumanaw. Bukod kina Nolan at Vargas ay naunang pumanaw na sina Miss U 1955 Hillevi Rombin (1933-96) ng Sweden; Miss U 1958 Luz Marina Zuluaga (1938-2015) ng Colombia; Miss U 1960 Linda Jeanne Bement (1941-2018) ng United States; Miss U 1967 Sylvia Louise Hitchcock (1946-2015) ng United States; Miss U 1970 Marisol Malaret Contreras (1949-2023) ng Puerto Rico; Miss U 1974 Amparo Muñoz (1954-2011) ng Spain; at Miss U 1995 Chelsi Smith (1973-2018) ng United States.
Ang Miss Universe na nagsimula noong 1952 ang pinakapopular na beauty pageant sa mundo lalo na sa mga Pilipino. Apat (4) na Pilipina na ang nagwagi ng korona, sila ay sina Miss U 1969 Gloria Diaz (isinilang 1951), Miss U 1973 Margarita Moran (isinilang 1953), Miss U 2015 Pia Wurtzbach (isinilang 1989), at Miss U 2018 Catriona Gray (isinilang 1994).
