TODO-SUPORTA si dating Taguig City Mayor Lino Cayetano sa panukala ng kanyang kapatid na si Senator Alan Peter Cayetano para sa isang pambansang “reset” sa pamamagitan ng snap election, at hinimok pa ang kanyang sariling pamilya na magbitiw sa puwesto upang patunayan ang kanilang sinseridad sa panawagang reporma.
Sa isang matinding pahayag, sinabi ni Lino na ang kusang pagbitiw sa kapangyarihan ang magiging pinakamalinaw na mensahe na tunay at hindi pampulitika ang kanilang adhikain.
“Give up power. And this movement for real transformation will be a legacy our Father will be truly proud of,” ani Lino.
Binigyang-diin niya na kayang tumakbo ng Senado nang walang Cayetano, at may kakayahan din umano ang Vice Mayor ng Taguig na ipagpatuloy ang pamamahala.
“The Senate will function without the Cayetanos while Taguig has a very capable Vice Mayor. The Cayetano political party has had 15 years to run Taguig City and institute reform. Matibay na dapat ito,” dagdag niya.
Ayon kay Lino, panahon na para magbigay-daan ang mga beteranong pulitiko sa bagong henerasyon ng mga lider na may sariwang pananaw at tapang na harapin ang pagbabago.
“If some of the old guard step down now, it will inspire others to follow. Let go of power — then people will believe,” ani Lino.
Hinikayat din niya si Sen. Alan Cayetano na maging unang ehemplo ng kababaang-loob sa politika.
“Be that one, Sen. Alan, and you will be remembered by all sides as someone who laid the groundwork for real change,” pahayag niya.
Dagdag pa ni Lino, ang ganitong hakbang ay maaaring maging makasaysayang sandali para sa bansa — patunay na ang tunay na pagbabago ay posible kapag pinili ng mga lider ang serbisyo kaysa posisyon.
“The next generation is more than capable — the private sector is filled with bright minds, the academe is recharged, and the youth is full of energy and up for the fight,” pagtatapos ni Lino.
