Inanunsiyo ni AirAsia Philippines spokesman, First Officer Steve Dailisan ang flight cancellations. (ARSENIO TAN)
KANSELADO ang lahat ng biyahe ng AirAsia Philippines patungo at mula sa Tacloban nitong Setyembre 25, 2025 dahil sa masamang lagay ng panahon at posibleng panganib na dulot ng Tropical Storm Opong (Bualoi).
Ayon kay AirAsia Philippines spokesman First Officer Steve Dailisan, direktang ipinaalam sa mga apektadong pasahero ang status ng kanilang mga flight at ang mga kaukulang service recovery options sa pamamagitan ng email at SMS.
Pinayuhan din ang mga biyahero na may biyahe papunta o mula sa Tacloban sa nasabing petsa na manatiling updated sa pamamagitan ng AirAsia MOVE app (airasia.com/flightstatus), AskBo chatbot, at sa kanilang rehistradong email para sa pinakahuling impormasyon hinggil sa flight status.
Kasabay nito, nag-alok ang AirAsia ng tatlong service recovery options para sa mga naapektuhan:
- Move Flight – one-time free date change sa loob ng 30 araw mula sa original departure date, sa parehong ruta at subject to seat availability.
- Credit Account – balidong gamitin sa loob ng 730 araw mula sa petsa ng issuance sa AirAsia member account.
- Full Refund – ibabalik sa orihinal na paraan ng pagbabayad.
Dagdag ni Dailisan, patuloy na mino-monitor ng kompanya ang sitwasyon at handa silang magbigay ng karagdagang anunsyo sakaling may pagbabago sa lagay ng panahon. (ARSENIO TAN)
