Mga Cabalen, hindi po bukal sa aking kalooban na batiin ang lahat ng isang “Magandang Araw”.
Alam naman ninyo kung bakit di po ba?
Lunod po sa mga eskandalo ng kabalintunaan at kagahamanan ang buong bansa.
Gawa ito ng mga pulitiko na paulit-ulit nating ibinoboto. Mga pasimuno ng daynastiya, naging promutor at kasabwat ng mga kawatan sa gobyerno.
Sa maraming taon ng ating pagtatanga-tangahan at pagiging matiisin sa kabila ng naghihikahos na pamumuhay, napakadi pa tin nating magpatawad at makalimot sa mga kasalanang kailan man ay walang kapatawaran.
Patuloy pa rin tayong ginagawang bobo at mangmang ng mga mapagpanggap na “sugo ng Diyos.”
Pinaniniwalang may basbas sila muna sa Panginoong upang ipahayag ang mabubuting salita mula sa banal na aklat.
Ito ay upang maging kapani-paniwala ang kanilang pagsasalita para tayong lahat ay kanilang lansihin at pagkatapos ay pagnakawan.
Itong si Jesus is Lord at Senador Joel Villanueva, kung ikaw ay babasbasan niya ano kaya ang kanyang dinadasal? Para kaya sa kanyang pagbabasbas o para sa kanyang sariling kapakanan.
Walang kasing lupit ang ginagawa ng mga pulitikong todo kung sipsipin ang ating dugo ba wala na halos matira sa atin kundi buto na lamang.
Hikahos ang mga Filipino. Babad ang katawan sa baha. Wasak ang mga kagamitang pinaghirapan ng mahabang panahon dahil sa pagkababad sa baha! Habang ang nga ganid na mga pulitiko mula Malakanyang at lehislatura ay namamasyal at namimili sa ibang bansa gamit ang pondo ng “Flood Control Project” , bilyon-bilyon mga Cabalen.
Ang mga buwisit at sugapang si Zaldy Co pinagtatawanan lang tayo, sapagkat nagpapasarap kasama ang kanyang pamilya sa ibang bansa.
Si Pangulong Marcos, kumilos na ba ? Hindi pa. Nanggarote na ba siya? Hindi pa rin. Ayaw nga ipatawag ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Panifilo Lacson si Co dahil kasapi pa rin daw ito ng Kongreso. Ang tanong, bakit si VP Inday pinapunta? Hindi ba siya kasama sa immunity? Hindi po siya kasama sa immunity ng malakanyang.
Mga Cabalen, pag nilayan na nating mabuti ang pinag gagawa sa atin ng mga sinusuwelduhan natin sa puwesto wag na sana natin silang ibalik!
