Ikinanta ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya si Pasig Congressman Roman Romulo, kaalyado ni Mayor Vico Sotto, sa isyu ng multi-bilyong flood control projects ng DPWH.
Ayon kay Curlee, may “parte” raw si Romulo na minsan umaabot pa ng 30% ng proyekto. Ipinapadaan umano ito kay DPWH District Engineer Aristotle Ramos, na tinawag pang “bagman” ng kongresista. Bago raw si Ramos, sa DPWH project engineer na si Angelita Garocha muna dumadaan ang “lagay.”
“Sinabi ko kay DE Ramos na masyado naman mataas [ang 30%], pero sagot niya wala tayong magagawa dahil galing ito sa unprogrammed funds at insertion mula sa taas,” pagbubunyag pa ni Curlee.
Pero todo-deny si Romulo!
“I strongly deny these malicious and fabricated allegations linking me to anomalous bidding. I was never involved in any bidding nor in selecting contractors for DPWH projects,” giit ng kongresista.
Aniya, malinaw na ang mga akusasyon ay taktika lamang para ilihis ang imbestigasyon at ipasa ang sisi sa iba.
“I challenge my accusers to present clear and solid evidence. No amount of black propaganda will stop me from doing my job,” dagdag pa ni Romulo.
Hindi rin pinalampas ni Mayor Vico Sotto ang testimonya ng Discaya couple. Giit niya, halatang paawa effect lang ang estilo ng mag-asawa para makalusot at maging state witness.
“Sinong gagawa ng gano’ng kalaking krimen para sa 2-3% na kita? ’Wag tayong magpauto sa mga paawa effect nila… The challenge now is to sift through the half-truths and attempts to mislead us,” ani Sotto.
Giit pa ng alkalde, malinaw na nais ng mag-asawa na maging state witness upang makaiwas sa pananagutan.
“Obviously, there are congressmen, DPWH officials, and contractors who are guilty. But the spouses Discaya are clearly angling to become state witness. Para di sila makulong. We know they are capable of lying,” ani Sotto sa isang Facebook post.
