Mga ka-Berdugo, sa gitna ng lumalakas na isyu tungkol sa pagbaha sa Rizal, malinaw na muling nilinaw ng Pamahalaang Bayan ng Angono ang totoong kalagayan: ang quarry operations sa kanilang bayan ay hindi ang pangunahing sanhi ng baha.
Ang kamakailang episode ng KMJS at ilang social media posts ay nagdulot ng maling impresyon, ngunit mariing itinanggi ni Mayor Gerry Calderon ang akusasyon.
“Well, yung Angono ay naging tungtungan ng kanyang isyung baha. Pero po yung mga kasamang footage na binabaha hindi po Angono yun. Wala po kaming huling baha na umapaw ang bayan ng ilog simula pa nung Ondoy. After Ondoy po wala na,” paliwanag ng alkalde.
Nilinaw pa niya na kung meron mang pag-apaw, ito’y sa shoreline lamang. “Dati po nasa 1,000 ang aming evacuees eh, ngayon 100 na lang. Kaya may baha, mababa yung kanilang lugar. Pero pag nag-12.5 meters na po ang lawa, halos buong bayan at mga karatig-syudad na nakapalibot sa lawa ang apektado. Seldom lang po ito mangyari, mga every 3 o 4 years,” dagdag pa ni Calderon. “Ninety percent ng bayan ng Angono ay hindi binabaha,” diin ng alkalde.
Dapat ring maunawaan ang pinaghalong impormasyon: ang quarry ng Concrete Aggregates Corporation at ang land development ng Prime East Properties ay dalawang magkaibang proyekto.
Sa inilabas na statement ng Angono LGU, ang quarry ay sumusunod sa Final Mine Rehabilitation and Decommissioning Plan, habang ang Prime East ay nakapaloob sa Village East II subdivision at may tamang permit mula sa HLURB at ECC. Ang mga earthmoving activities ng huli ay bahagi lamang ng development at relocation program, hindi pagmimina.
Higit pa rito, malinaw ang LGU sa kanilang flood control measures. Aktibo ang river rehabilitation program, may proper dredging at desiltation, at mahigpit ang monitoring ng Multi-Partite Monitoring Team para tiyakin na sumusunod ang quarry operations sa DENR-MGB safety standards.
Ang lagoon ng quarry mismo ay nagsisilbing proteksyon laban sa flash flood, bahagi ng long-term plan ng bayan para sa tourism at industrial hub development.
Ang mahalagang punto rito ay dapat ihiwalay ang haka-haka sa totoong datos. Ang pagbibintang agad sa quarry operations ay nagdudulot lamang ng panic at maling akusasyon, samantalang malinaw na may koordinasyon, monitoring, at plano ang LGU para pangalagaan ang bayan at mamamayan.
Sa huli, ang Angono ay patunay na sa wastong pamamahala, malinaw na regulasyon, at proactive na flood control measures, maiiwasan ang hindi makatwirang paninisi, at mas mapagtutuunan ang tunay na solusyon sa pagbaha—hindi ang pagbibintang sa quarry operations na sumusunod sa batas.
***
Kung mayroon kayong sumbong, reklamo o anumang suhestiyon ay mag-text o tumawag lamang sa numerong CP#09999861197 o mag-email sa arnoldpajaronjr1989@gmail.com
