Umabot sa P2.38 milyon ang halaga ng hinihinalang shabu na nasamsam ng mga pulis sa isang matagumpay na buy-bust operation noong Hulyo 27, 2025, sa kahabaan ng Manila East Road, Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal.
Bandang alas-8:55 ng gabi, ikinasa ng Municipal Drug Enforcement Team ng Tanay MPS, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA (Coordination No. 10005-0720250912), ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na kinilala sa mga alyas na Bachicha, Gimo, at Dagul.
Nasamsam sa operasyon ang 350 gramo ng hinihinalang shabu, naka-pack sa tatlong heat-sealed at tatlong knot-tied na plastic sachets — tinatayang nasa halagang ₱2,380,000.00; tatlong ₱1,000 na may serial numbers na K953381, PK796447 at BV581690 (buy-bust money); Pito pang ₱1,000 boodle money; sampung ₱100 na perang narekober; isang (1) green REALME cellphone; at Isang Honda Beat na motorsiklong kulay itim na may plate number 781QWB.
Ang buong operasyon ay naitala sa Alternative Recording Device bilang bahagi ng standard procedure.
Ayon sa pulisya, dadalhin sa Crime Laboratory Office ang mga ebidensyang nakalap kasama ang mga naarestong suspek para sa karampatang pagsusuri at imbestigasyon.
