Nasunog ang isang residential area sa Libis Baesa, Barangay 160, sa Caloocan City nitong Lunes ng madaling-araw, Hulyo 28.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), unang itinaas sa 1st alarm ang sunog bandang 1:00 a.m., at agad itong umakyat sa 2nd alarm makalipas lamang ng 10 minuto — indikasyong mabilis ang pagkalat ng apoy.
“Under control” ang sunog bandang 3:04 a.m., at tuluyang naapula dakong 4:15 ng madaling-araw matapos ang halos tatlong oras ng firefighting operations.
Walang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente. Gayunpaman, nananatiling palaisipan pa rin sa mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
