
Itinaas ng Department of Migrant Workers (DMW) ang heightened alert status para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel, Iran, at karatig-bansa, kasunod ng umiigting na tensyon at air strikes sa pagitan ng dalawang bansa sa Gitnang Silangan.
Sa inilabas na advisory nitong Sabado, Hunyo 14, tiniyak ng DMW na maglalaan ito ng kumpletong tulong at suporta para sa mga apektadong OFW at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng Middle East Help Desk.
“Hinihikayat ng kagawaran ang lahat ng OFWs sa Israel at Iran na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan, maging alerto, at makipag-ugnayan sa Philippine Embassy o Migrant Workers Offices (MWOs) sa kanilang kinaroroonan,” ayon sa DMW.
Dagdag pa rito, pinaalalahanan ang mga OFW na iwasan ang pagpapakalat ng hindi kumpirmadong impormasyon upang hindi magdulot ng takot at kalituhan.
Para sa mga nangangailangan ng tulong o impormasyon:
- Sa Pilipinas: DMW-OWWA Hotline 1348
- Sa abroad: +632 1348
Narito rin ang mga emergency hotlines ng mga MWOs:
ISRAEL
📞 Philippine Embassy in Tel Aviv: +972 54-4661188
📞 MWO: +972 50-7622590
📞 OWWA: +972 50-7156937
LEBANON
📞 Philippine Embassy in Beirut: +961 70 858 086
📞 MWO Beirut: +961 79 110 729
JORDAN
📞 MWO Amman: +962 7 8149 1183 / +962 7 8519 1891
Ayon sa DMW, ang mga OFW na maaapektuhan ng canceled o delayed flights ay maaaring tumawag sa mga nabanggit na hotline upang humingi ng gabay.
Sa ngayon, nananatiling nasa Alert Level 3 ang Lebanon, habang isinara naman ng Jordan ang kanilang airspace, ayon sa ulat.
Sinabi rin ng DMW na ito ay nakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) para sa mas pinalawak na tulong sa mga apektado ng tensyon sa rehiyon.
More Stories
Taxpayers nanawagan ng imbestigasyon sa umano’y P680-M anomalya sa rice procurement ng MILG-BARMM
SMB, Ginebra, at ROS Nag-aagawan ng Pwesto; Converge Nakapila na Lang
₱110-M Halaga ng Delikadong Baterya, Sinira ng DTI