
MAYNILA – Kanselado ang apat na biyahe ng AirAsia Philippines ngayong Martes, Mayo 13, kasunod ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon bandang alas-2:55 ng madaling araw, at ng pagtaas ng alerto nito sa Alert Level 3 (Increasing Unrest) ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon kay First Officer Steve Dailisan, Communications and Corporate Affairs Head ng AirAsia Philippines, pangunahing prayoridad ng airline ang kaligtasan ng mga pasahero at crew.
“Upang mabawasan ang abala dulot ng mga kanselasyon, inilalatag namin ang standard recovery options (SROs) alinsunod sa Air Passenger Bill of Rights (APBR), upang matuloy pa rin ang mga plano sa paglalakbay ng aming mga pasahero sa oras na bumuti ang sitwasyon,” ani Dailisan.
Mga posibleng delay rin ang binabantayan sa mga biyahe papuntang Cebu, Tagbilaran, at Iloilo dahil sa posibilidad ng ash cloud na makaapekto sa ruta.
Recovery Options para sa Kanselado o Matagal na Naantalang Biyahe (lagpas 3 oras):
- Free Flight Change – Libreng paglipat ng petsa ng biyahe (sa loob ng 30 araw mula sa orihinal na schedule) sa parehong ruta, depende sa availability ng upuan.
- Credit Account – Ilipat ang halaga ng ticket sa AirAsia BIG Member account ng pasahero para magamit sa loob ng dalawang taon.
- Full Refund – Buong refund na ibabalik sa orihinal na paraan ng pagbabayad. Para sa mga nag-book sa travel agents, ang refund ay kailangang idaan sa ahenteng pinanggalingan ng booking.
Para sa mga nais baguhin ang booking online, maaaring bumisita sa AirAsia MOVE o airasia.com. Piliin lamang ang “Booking Changes” > “Flight Change” > “My flight was changed by AirAsia” at sundan ang mga tagubilin.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang airline sa aviation authorities para sa real-time updates, na ipinaaabot sa mga pasahero sa pamamagitan ng SMS, email, AirAsia MOVE app, at opisyal na social media pages ng AirAsia.
Pinapayuhan ang lahat ng biyahero na regular na mag-check ng flight status at anunsyo sa airasia.com/flightstatus para sa mga pinakabagong update. (ARSENIO TAN)
More Stories
SARA, ILITIS SA IMPEACHMENT! 8 SA 10 PINOY GUSTONG HARAPIN NI VP ANG MGA PARATANG
QC NAGLUNSAD NG MATINDING HAKBANG KONTRA HIV
SENATE MINORITY BLOC, NANAWAGAN NG AGARANG PAGLILITIS KAY VP SARA DUTERTE