
Nasasagawa na ng masusing imbestigasyon ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) hinggil sa napaulat na “tanim-bala” scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong nakaraan lang.
Ito’y matapos ang akusasyon ng isang 69-anyos na babae na patungong Vietnam na tinaniman umano siya ng bala ng NAIA security personnel sa NAIA Terminal 3.
Ayon sa NNIC, operator ng NAIA, agad nilang ilalabas ang resulta ng imbestigasyon at ang susunod nitong hakbang hinggil sa insidente.
Samantala sinabi ni NNIC general manager Lito Alvarez agad nakipag-ugnayan ang NNIC sa Office for Transportation Security (OTS) at nire-review na ang CCTV footage hinggil sa nasabing kaso.
Aniya, ang OTS ang mangunguna sa imbestigasyon at maglalabas ng pahayag upang talakayin ang resulta ng kanilang imbestigasyon at anumang susunod na hakbang.
“To prevent similar incidents and strengthen public confidence, NNIC is working with OTS to reinforce security monitoring, proper screening procedures, and transparency in security operations,” aniya.
“NNIC remains committed to working with the OTS and other authorities to provide a secure and seamless airport experience,” dagdag pa nito.
Iginiit din ni Alvarez na prayoridad ng NNIC ang pagpapanatili ng “safe and efficient for all travelers” na airport environment. ARSENIO TAN
More Stories
HONASAN, BINAY AT DEL ROSARIO NAGSAGAWA NG MOTORCADE SA MAKATI (Muling pinagtibay ang pagkakaisa at suporta)
DOST REGION 1 HANDA NA PARA SA 2025 NSTW
Kelot na akusado sa statutory rape sa Valenzuela, tiklo