
TIMBOG ang 27-anyos na lalaki na wanted sa kaso ng statutory rape sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy. Ugong ang presensya ng akusadong si alyas “Reynald”, na nakatala bilang Top 6 Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD).
Kasama ang pinagsamang mga tauhan mula sa Sub-Stations 2, 3, 4, at 9, ikinasa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:20 ng madaling araw sa Blk 7, Candido St., Brgy. Ugong.
Ani Col. Cayaban, dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape under Article 266 of the Revised Penal Code in relation to RA 7610, as amended by RA 11648 na inisyu ni Valenzuela City Presiding Judge Evangeline Santos Mendoza-Francisco, ng RTC Branch 270, na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela City Police Station habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
Pinuri naman ni Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD si Col. Cayaban at kanyang mga tauhan para sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon at pangako sa pagpapatupad ng batas, na tinitiyak ang hustisya at seguridad para sa publiko.
More Stories
HONASAN, BINAY AT DEL ROSARIO NAGSAGAWA NG MOTORCADE SA MAKATI (Muling pinagtibay ang pagkakaisa at suporta)
DOST REGION 1 HANDA NA PARA SA 2025 NSTW
TANIM-BALA BALIK SA NAIA? (Imbestigasyon sinimulan na – NNIC)